Huwebes, Mayo 24, 2018, dumating ng Punggye-ri Nuclear Test Facility ng Hilagang Korea (DPRK) ang isang delegasyong binubuo ng 8 mamamahayag ng Timog Korea. Dadalo sila, kasama ng mga mamamahayag mula sa Tsina, Rusya, Estados Unidos, at Britanya, sa seremonya ng pagtatakwil ng nasabing pasilidad.
Miyerkules ng umaga, Mayo 23, ipinahayag ng Ministri ng Unipikasyon ng Timog Korea na sa pamamagitan ng tsanel ng pag-uuganayan ng Panmunjom, tinanggap ng panig ng DPRK ang listahan ng nasabing mga mamamahayag ng Timog Korea, at ipinasiya nitong lumipad mula Seoul papuntang Wonsan ang delegasyong ito, sakay ng charter flight ng pamahalaan.
Ito ang kauna-unahang direktang paglipad ng charter flight ng pamahalaan ng Timog Korea patungong DPRK pagkaraan ng Korean War.
Salin: Vera