Beijing, Tsina—Binuksan ngayong araw, Mayo 25, ang Ika-13 Komperensya ng mga Presidente ng Korte Suprema ng mga Kasapi ng Shanghai Cooperation Organization (SCO).
Sa kanyang mensaheng pambati, nanawagan si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mas mahigpit na pagtutulungang hudisyal ng SCO para makalikha ng magandang kapaligirang pambatas para sa pagtutulungan ng mga kasapi ng SCO sa iba't ibang sektor.
Ang SCO ay binubo ng walong miyembro na kinabibilangan ng Tsina, India, Kazakhstan, Kyrgyzstan, Pakistan, Rusya, Tajikistan, at Uzbekistan. Sa darating na Hunyo, idaraos ang SCO Summit sa Qingdao, baybaying-lunsod sa dakong timog ng Tsina.
Salin: Jade
Pulido: Mac