Sumang-ayon ang Tsina't Unyong Europeo (EU) na ibayo pang pasulungin ang kanilang mga ugnayang pangkabuhaya't pangkalakalan, at magdaos ng kanilang ika-7 Diyalogong Pangkabuhaya't Pangkalakalan sa Mataas na Antas sa lalong madaling panahon.
Sa kanilang pag-uusap sa telepono Huwebes ng hapon, Mayo 24, nagkasundo sina Liu He, Pangalawang Premyer ng Tsina at Jyrki Katainen, Pangalawang Pangulo ng European Commission na patingkarin ang papel ng naturang diyalogo para mapalalim ang pragmatikong pagtutulungang pangkabuhaya't pangkalakalan ng Tsina at EU.
Kapuwa sina Liu at Katainen ay tagapangulo ng nasabing diyalogong Sino-EU.
Nakahanda rin silang magkasamang pangalagaan ang mga alituntunin ng malayang kalakalan at sistema ng multilateral na kalakalan.
Salin: Jade
Pulido: Mac