|
||||||||
|
||
HINILING ni Sr. Patricia Ann Fox, 71 taong-gulang na misyonera sa Department of Justice na ibalik ang kanyang missionary visa. Nagtungo si Sr. Pat sa Department of Justice kaninang ikalawa ng hapon, ang huling araw ng isang buwang palugit na iginawad ng Bureau of Immigration upang lumisan ng bansa.
Sinabi ni Atty. Katherine Panguban na sa pamamagitan ng apelang ito, napigil ang pagpapatupad ng kautusan ng Bureau of Immigration.
Magugunitang ipinasiyasat ni Pangulong Rodrigo Duterter ang sinasabing "disorderly conduct" ni Sr. Pat. Nagsumite sina Sr. Pat ng 24 na pahinang petition for review matapos kanselahin ng Bureau of Immigration ang kanyang dokumento sa deka-dekadang paglilingkod sa mga adhikain ng mahihirap.
Wala umanong sandigang legal ang pagpapawalang-saysay sa missionary visa ni Sr. Pat na lumalabag pa sa due process, Kalayaan ng pagpapahayag at pagkakaroon ng payapang pagtitipon na garantisado ng Saligang Batas para sa madla, kahit ano pa ang bansang pinagmulan ng nasa Pilipinas.
Tanging haka-haka lamang ang naging basehan ng desisyon pawalang-saysay ang dokumento ng pananatili sa bansa ni Sr. Pat. Wala umano sa mga dahilang nasasaad sa batas ang pagpapawalang saysay ng visa ng madre, dagdag pa ng petisyon.
Mapapawalang-saysay lamang ang visa ng sinuman kung wala nang legal at factual basis para sa pagtataglay nito at kung ang akusado ay nagtamo ng visa sa pamamalsipika at misrepresentation.
Ang ebidensya laban sa madre ay ang paghahawak ng placard na nagtataglay ng panawagang palayain ang lahat ng political detainees sa bansa at hindi naman ipinagbabawal sa batas. Pakikiisa lamang ito bilang isang misyonera sa kahilingan ng mga mamamayang matugunan ang kanilang hinaing.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |