Sa kanyang talumpati sa Ika-2 The Future of Finance Summit na idinaos kamakailan sa Beijing, ipinahayag ni Ayumi Konishi, nakatataas na tagapayo ng gobernador ng Asian Development Bank (ADB), ang kahandaan ng kanyang institusyon na palakasin ang pakikipagtulungan sa Belt and Road Initiative.
Sinabi ni Konishi, na ang pagpapasulong sa rehiyonal na kooperasyon at integrasyon ay misyon ng ADB, samantalang ang Belt and Road Initiative ay makakatulong sa mas malawak na interkonektibidad at komong kasaganaan sa rehiyong ito. Ipinahayag niya ang mainit na pagtanggap ng ADB sa inisyatiba, at kahandaan sa aktibong paglahok dito. Umaasa rin aniya siyang magtutulungan ang iba't ibang organo, para makapagtamasa ng mas mabuting serbisyong pinansyal ang mas maraming bansa.
Salin: Liu Kai