|
||||||||
|
||
Pinirmahan ng dalawang institusyong pinansyal ang nasabing MOU sa panahon ng ika-49 na taunang pulong ng board of governors ng ADB.
Asian Development Bank (ADB) President Takehiko Nakao at Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) President Liqun Jin sa seremonya ng paglagda ng MOU (photo credit: ADB official website)
Batay sa MOU, magkasamang magbibigay ang AIIB at ADB ng tulong na pinansyal sa mga proyekto. Sinimulan na nila ang mga diskusyon hinggil sa co-financing ng mga proyekto ng lansangan at patubig.
Ang M4 Highway ng Pakistan ay inaasahang magiging unang proyektong pangkooperasyon ng dalawang bangko. Ang nasabing highway ay isang 64-kilometer motorway na nag-uugnay ng Shorkot at Khanewal sa Punjab Province, Pakistan.
Bukod sa co-financing, kabilang sa pagtutulungan ng dalawang bangko ay paglilipat ng kaalaman, high-level consultation, data collection at magkasanib na policy dialogues kasama ng mga kasaping bansa. Sa pamamagitan ng mga ito, magkasamang magbibigay-tulong ang AIIB at ADB sa mga kasapi sa larangan ng sustenableng pag-unlad, pagpapahupa ng kahirapan, at pagtugon sa pagbabago ng klima. Ang mga gagawing konkretong proyekto ay may kinalaman sa enerhiya, transportasyon, telecom, kaunlaran ng kanayunan, agrikultura, patubig, kaunlaran ng mga lunsod, at pangangalaga sa kapaligiran.
Ang AIIB na nakabase sa Beijing ay itinatag noong 2015. Ang Pilipinas ay isa sa 57 bansang tagapagtatag nito.
Ang ADB na nakabase sa Maynila at binubuo ng 67 miyembro ay itinatag noong 1966.
Noong Abril 13, 2016, nilagdaan ng AIIB at World Bank (WB) ang co-financing framework agreement.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |