|
||||||||
|
||
Mula Mayo 3 hanggang 6, 2018, ginanap sa Manila, Pilipinas ang Ika-51 Taunang Pulong ng Asian Development Bank (ADB) Council. Sa pulong, tinalakay ng mga opisyal at namamahalang tauhan ng mga organong pinansiyal mula sa iba't-ibang bansa ang tungkol sa mga temang gaya ng pagpapasulong ng inklusibong pag-unlad sa rehiyong Asya-Pasipiko, papel ng pamahalaan sa pagpapasulong ng inklusibong paglaki, at estratehiya ng ADB hanggang taong 2030.
Bumigkas ng talumpati at dumalo sa nasabing pulong si Yu Weiping, Pangalawang Ministro ng Pinansiya ng Tsina.
Sinabi niya na katulad ng dati, patuloy na kakatigan ng Tsina ang pag-unlad ng ADB, at walang humpay na palalalimin ang komprehensibong relasyong pangkooperasyon ng Tsina at ADB upang makapag-ambag sa sustenableng pag-unlad sa rehiyong Asya-Pasipiko at buong daigdig.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |