|
||||||||
|
||
Idineklara sa Beijing Lunes ng umaga, Mayo 28, 2018, ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na gaganapin sa Qingdao, probinsyang Shandong ng Tsina, ang Ika-18 Shanghai Cooperation Organization (SCO) Summit mula Hunyo 9 hanggang 10. Ani Wang, ito'y pangunguluhan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Bukod dito, dadaluhan din ni Xi ang mga kaukulang aktibidad, ani Wang.
Ayon pa kay Wang, dadalo rin sa summit ang mga lider mula sa walong (8) kasaping bansa, at apat (4) na bansang tagamasid ng SCO, at mga namamahalang tauhan ng mga may kinalamang organisasyong pandaigdig.
Ipinahayag ni Wang na ang nasabing summit ay magsisilbing unang pulong pagkatapos ng ekspansyon ng SCO. Ipapalabas sa summit ang "Qingdao Declaration," aniya pa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |