Idinaos May 28, 2018 sa Zhengzhou, Henan, ang Summit ng mga Mayor ng Lunsod na Panturista ng Belt and Road. Kalahok sa summit ang 95 mayor o sugo ng mayor ng mga lunsod na panturista mula sa 28 bansang gaya ng Rusya, Sri Lanka, Indya, mahigit 60 pandaigdigang ahensiyang panturista at mga mayor o pangalawang mayor ng 39 na lunsod ng Tsina.
Ayon sa pag-analisa, 70% ng industrya ng turismo ng buong mundo ang sakop ng mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road.
Tinukoy ng mga kalahok na dapat pataasin ng mga lunsod ang kalidad ng yamang panturista, palakasin ang pamamahala sa mga lugar na panturista at pahalagahan ang pagpapabuti ng kapaligirang panturista.
salin:Lele