|
||||||||
|
||
Manila, Pilipinas—Nagkasundo ang Tsina't Pilipinas na maayos na hawakan ang pagkakaibang pandagat sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian.
Nakasaad ito sa pahayag Huwebes, Mayo 31, ng delegasyong diplomatiko ng Tsina makaraang makipagtagpo ito sa mga opisyales na Pilipino.
Dumalaw sa Pilipinas ang nasabing delegasyong pinamumunuan ni Yi Xianliang, Direktor ng Departamento ng Hanggahan at mga Suliraning Pandagat ng Ministring Panlabas ng Tsina mula Miyerkules hanggang Huwebes. Kinatagpo sila nina Kalihim ng Ugnayang Panlabas Alan Peter Cayetano at Pangalawang Kalihim ng Ugnayang Panlabas na si Enrique Manalo.
Tinalakay ng dalawang panig ang hinggil sa kasalukuyang situwasyon ng South China Sea at nagpalitan ng kuru-kuro hinggil sa mga isyung pandagat na kapuwa nila pinahahalagahan.
Nagkasundo silang kailangan nilang sundin ang diwa ng napagkasunduan ng mga lider ng dalawang bansa at tumpak na hawakan ang mga pagkakaibang pandagat sa pamamagitan ng diyalogo at negosasyon.
Sang-ayon din silang pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng South China Sea, at patuloy na pasulungin ang mga pragmatikong pagtutulungang pandagat sa iba't ibang larangan, para makalikha ng mainam na atmospera para sa malusog, matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Pilipino.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |