Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Magkakapit-bahayan, di laging sang-ayon sa isat-isa, pero kailangang laging may mabuting trato at pagkakaibigan – Kalihim Cayetano

(GMT+08:00) 2018-03-22 15:19:21       CRI

 

Sina Kalihim Alan Peter Cayetano (kaliwa) at Ministro Wang Yi (kanan) habang hawak ang nakasulat na pagbati ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas para kay Pangulong Xi Jinping ng Tsina

Sa kanyang pakikipagtagpo Miyerkules, Marso 21, 2018 kay Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, sinabi ni Kalihim Alan Peter Cayetano ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, na "hindi palaging sang-ayon sa isat-isa ang magkakapit-bahay, pero, kailangang palaging may mabuting trato at pagkakaibigan ang mga ito."

Ito aniya ang halimbawang ipinakikia ng Pilipinas at Tsina sa buong mundo.

Sa pamamagitan aniya ng positibong pag-unlad at di-natitinag na pagpupunyagi, maraming pag-unlad ang narating ng Pilipinas at Tsina pagdating sa usapin sa dagat, partikular sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC).

Lubha aniyang kailangan ang tiwala at respeto upang masolusyunan ang mga di-pagkakaunawaan sa dagat.

Aniya pa, ang Bilateral Consultative Mechanism (BCM) ng Pilipinas at Tsina ay naghatid ng makatotohanan at sinserong diskusyon sa paghahanap ng solusyon sa di-pagkaksundo at nagbigay rin ng pagkakaton para sa kolaborasyon sa mga larangang maaaring magkaroon ng pagtutulungan.

"Ang Pilipinas at Tsina ay nagkasundo sa paghahanap ng komon at legal basehan upang magkaroon ng joint exploration sa paghahanap ng langis at iba pang yaman sa karagatan, at sa pamamagitan ng mga pag-uusap ngayon, ako ay tiwalang mahahanap ang tamang landas upang ito maisakatuparan," ani Cayetano.

Dagdag pa niya ang pag-asang ito ay nag-uugat sa mutuwal na tiwala, respeto at pagtrato sa isat-isa ng Pilipinas at Tsina bilang magkapamilya.

Suportado aniya ng Pilipinas ang Belt and Road Initiative na iniharap ng Tsina para sa komong kasaganaan, bilang bahagi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Master Plan at estratehiyang pangkaunlaran ng Pilipinas.

"Makikibahagi rito ang Pilipinas at inaasahan naming magiging matagumpay ang Belt and Road Initiative," dagdag pa ng kalihim na Pilipino.

Pagdalo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Boao Forum for Asia (BFA)

Aniya, sa usapin ng rehiyonal na integrasyon, dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Boao Forum for Asia sa susunod na buwan, at dito ay makikipagpalitan siya ng opinyon at pananaw hinggil sa mahahalagang isyung kinakaharap ng rehiyon at mundo.

Sa kanya namang talumpati, ipinahayag ni Wang Yi, Ministrong Panlabas at Kasangguni ng Estado ng Tsina, na sa kanyang pakikipag-usap kay Cayetano, nagkasundo silang tumahak sa landas ng diyalogo at konsultasyon upang mahawakang mabuti ang mga isyung may-kaugnayan sa South China Sea.

Ito aniya ay nagpalakas ng pangkalahatang relasyon ng dalawang panig at nagpapabuti ng atmospera sa pagpapalawak ng bilateral na relasyon ng Tsina't Pilipinas.

Ani Wang, nagkasundo rin sila ni Cayetano na ipagpapatuloy ang direksyong ito, at umaasa rin aniya ang dalawang panig na palalakasin pa ang nasabing bilateral na relasyon.

Dagdag pa ni Wang, mayroong 99.99 porsiyento na konsensus ang dalawang bansa, pagdating sa bilateral na relasyon at .01 porsiyento lamang ang pagkakaiba sa paggamit ng mga terminolohiya.

"Ibig sabihin, wala naman talagang pagkakaiba o di-pagkakasundo sa bilateral na relasyon ng Tsina't Pilipinas," dagdag ni Wang.

Aniya pa, ang Pilipinas ay mahalagang bansa sa kahabaan ng Belt and Road at may mahalagang papel sa pagpapasulong ng Belt and Road Initiative ng Tsina.

Importante rin aniya na pagdugtungin ang estratehiyang pangkaunlaran ng dalawang bansa para maghatid ng kaginhawahan, hindi lamang para sa mga Pilipino't Tsino, kundi para na rin sa pag-usbong ng kaunlaran sa buong rehiyon.

Kaugnay pa rin ng Belt and Road Initiative, sinabi ni Wang na palalakasin nito ang people-to-people exchanges ng dalawang bansa.

"Ang Tsina at Pilipinas ay may malapit na heograpikal na posisyon at matalik na pagkakaibigan ng mga mamamayan, at ito ay mga napakahalagang katangian at lakas sa pagsusulong ng bilateral na relasyon ng dalawang panig," sinabi niya.

Aniya pa, ipagpapatuloy ng dalawang panig ang pagsusulong ng seguridad at pag-unlad bilang mga poste ng kooperasyong Sino-Pilipino, kasabay ng pagpapatingkad ng papel ng people-to-people exchanges bilang pangatlong poste.

"Sa paraang ito, talagang mapapaunlad at mapapalakas ang pagkakaibigan at kooperasyon ng dalawang bansa," aniya pa.

Pagdating naman sa diyalogong pandagat, sinabi ni Wang na pauunlarin at palalakasin pa ng dalawang panig ang Bilateral Consultation Mechanism (BCM) upang mahanap ang kalutasang magiging paborable sa dalawang bansa.

Umaasa rin si Wang na magkakaroon ng mga kooperasyon ang Tsina't Pilipinas sa larangan ng paghahanap ng langis at iba pang yaman sa dagat, at sa paraang ito ang isyu sa South China Sea ay hindi na magkakaroon ng negatibong epekto sa Tsina't Pilipinas, bagkus ito ay magiging matibay na bigkis sa pagpapasulong ng kooperasyon at pagkakaibigan, na magdadala ng kaunlaran sa mga Tsino't Pilipino at mga bansa sa buong rehiyon.

Handa rin aniya ang Tsina na tumulong sa Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA), mag-set up ng mga bagong plataporma para sa Kooperasyong China-ASEAN, umalalay sa pagpapa-unlad ng rehiyon ng Mindanao at katimugan ng Pilipinas, at gagawa ng mga mas espisipikong hakbang para masuportahan ang pag-unlad ng ASEAN.

Ulat: Rhio Zablan
Larawan: Mac Ramos at Rhio Zablan
Edit: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>