|
||||||||
|
||
Ipinahayag Linggo, Hunyo 3, 2018, ni James Mattis, Kalihim ng Tanggulang Bansa ng Estados Unidos, na sa malapit na hinaharap, hindi iuurong ang tropang Amerikano mula sa Korean Peninsula.
Ani Mattis, pagkatapos ng lima o sampung taon, posibleng muling pag-uusapan ng Amerika at Timog Korea ang isyu ng pag-uurong ng tropa.
Ipinahayag minsan ni Pangulong Moon Jae-in ng Timog Korea, na ang pagkatalaga ng tropang Amerikano sa Timog Korea ay isyu ng alyansa ng Timog Korea at Amerika. Aniya, walang ito anumang kaugnayan sa kontratang pangkapayapaan sa Korean Peninsula.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |