Sa kanyang panayam sa media ng Amerika, ipinahayag Lunes, Unang araw ng Mayo, 2017, ni Donald Trump, Pangulo ng Amerika na kung angkop ang kondisyon, nakahanda siyang makipagtagpo kay Kim Jong-un, Kataas-taasang Lider ng Hilagang Korea.
Pero, hindi pa ipinaliwanag ni Trump ano ang kahulugan ng "angkop kondisyon."
Hinggil dito, ipinahayag ni Sean Spicer, Tagapagsalita ng White House ng Amerika na ang "kondisyon" na sinabi ni Trump ay nangangahulugan ng iba't ibang kondisyon, unang-una, dapat agarang itigil ng Hilangang Korea ang anumang probokasyon. Aniya, patuloy na maligalig ang kalagayan ng Korean Peninsula, ang Hilagang Korea ay nagsisilbing panganib sa Amerika at kanyang mga kaalyado bansa. Dahil laging priyoridad ni Trump ang pangangalaga ng seguridad ng bansa, aniya, hindi posibleng magtagpo ang mga lider ng Amerika at Hilangang Korea sa kasalukuyan.
salin:lele