|
||||||||
|
||
Beijing — Mula Hunyo 2 hanggang 3, 2018, nagsanggunian ang delegasyong Tsino na pinamumunuan ni Liu He, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Pangalawang Premyer ng bansa, at delegasyong Amerikano na pinamumunuan ni Wilbur Ross, Kalihim ng Komersyo ng Amerika hinggil sa isyung pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa. Nagkaroon ng mainam na diyalogo tungkol sa pagsasakatuparan ng kanilang narating na komong palagay sa Washington D.C., at natamo nila ang positibo at pragmatikong progreso.
Upang mabigyang-kasiyahan ang patuloy na lumalaking pangangailangan ng mga mamamayan, at mapasulong ang kabuhayan, nakahanda ang Tsina na dagdagan ang pag-aangkat mula sa iba't-ibang bansang kinabibilangan ng Amerika.
Ngunit, kung isasagawa ng panig Amerikano ang mga hakbangin ng sangsyong pangkabuhayan na tulad ng pagdaragdag ng taripa, hindi magkakabisa ang lahat ng natamong bungang pangkabuhayan at pangkalakalan na pinag-usapan ng dalawang panig.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |