Miyerkules, Hunyo 6, 2018, sinabi ni Stephane Dujarric, Tagapagsalita ng Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN) na nang araw ring iyon, nilagdaan ng dalawang organo ng UN at pamahalaan ng Myanmar ang isang kasunduan na magbibigay-pag-asa sa mga nagsisiksikang Rohingya refugee sa Bangledesh na bumalik sa tahanan.
Ayon sa nasabing memorandum of understading (MOU) na nilagdaan ng UN Refugee Agency (UNHCR), UN Development Programme (UNDP), at pamahalaan ng Myanmar, pahihintulutang pumasok ang mga tauhan ng UNHCR at UNDP sa Rakhine State ng Myanmar, para maglakbay-suri sa dating tirahan ng mga Rohingya refugee at maghanap ng posibleng purok-panirahan nila sa hinaharap, at magsagawa ng kaukulang gawain ng pangangalaga.
Nagpalabas ng pahayag si Pangkalahatang Kalihim António Guterres ng UN bilang pagtanggap sa paglagda ng kasunduang ito. Hinimok niya ang pamahalaan ng Myanmar na isagawa ang hakbangin para ipatupad sa lalong madaling panahon ang kasunduan. Samantala, muli siyang nanawagan na bigyang-wakas ang karahasan, at ipagkaloob ang makataong tulong sa lahat ng mga rehiyon ng Rakhine State.
Salin: Vera