Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulo at Ministrong Panlabas ng Rusya, magkahiwalay na nakipagtagpo sa espesyal na sugo ng Pangulong Tsino

(GMT+08:00) 2018-04-06 17:53:47       CRI

Moscow, Rusya—Huwebes, ika-5 ng Abril, 2018, magkahiwalay na kinatagpo nina Pangulong Vladimir Putin at Ministrong Panlabas Sergei Lavrov ng Rusya si Wang Yi, Espesyal na Sugo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Ministrong Panlabas ng bansa.

Sinabi ni Wang Yi na ang Tsina at Rusya ay komprehensibo, estratehiko at kooperatibong partner ng isa't isa, at nasa pinakamataas na antas ang kanilang pagtitiwalaang pulitikal. Aniya, nakahanda ang panig Tsino, kasama ng panig Ruso, na pabutihin ang paghahanda para sa isang serye ng pagpapalagayan ng mga lider ng dalawang bansa sa kasalukuyang taon, ipatupad ang mga komong palagay na narating ng dalawang lider, aktibong pasulungin ang kooperasyon sa malalaking proyekto, at magkasamang pangalagaan ang pandaigdigang sistema ng malayang kalakalan.

Si Pangulong Vladimir Putin (kaliwa) ng Rusya at si Ministrong Panlabas Wang Yi (kanan) ng Tsina

Ipinaabot naman ni Putin ang pagbati sa muling paghalal ni Xi bilang pangulo ng bansa. Aniya, napakaganda ng relasyong Sino-Ruso. Buong pananabik na inaasahan niya ang muling pagdalaw sa Tsina sa Hunyo ng taong ito, at patuloy na pagpapanatili ng mahigpit na pakikipag-ugnayan kay Pangulong Xi, sa pamamagitan ng iba't ibang bilateral at multilateral na okasyon. Umaasa aniya siyang matatamo ng relasyong Sino-Ruso ang mas malaking progreso, dahil makakabuti ito sa dalawang bansa man, o sa buong mundo.

Mga Ministrong Panlabas ng Tsina at Rusya na sina Wang Yi (kaliwa) at Sergei Lavrov (kanan)

Ipinahayag naman ni Lavrov na ang pagpapalakas ng komprehensibo, estratehiko at kooperatibong partnership nila ng Tsina ay pokus ng patakarang diplomatiko ng Rusya. Nakahanda aniya ang panig Ruso, kasama ng panig Tsino, na aktibong pasulungin ang pagpapalitan at pragmatikong kooperasyon sa iba't ibang larangan, at patuloy na palakasin ang estratehikong pag-uugnayan at pagtutulungan, sa loob ng mga multilateral na mekanismong gaya ng United Nations, G20, Shanghai Cooperation Organization, at iba pa.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>