Astana, Nobyembre 3, 2016--Kinatagpo si Li Keqiang, dumadalaw na Premyer ng Tsina ni Nursultan Nazarbayer, Pangulo ng Kazakhstan.
Tinukoy ni Li na malaki ang pagkokomplimento ng kabuhayan ng Tsina at Kazakhstan, at malawak din ang prospek ng kooperasyon. Nakahanda aniya ang Tsina na palawakin ang kooperasyon sa enerhiya, konektibidad, deep processing ng produktong agrikultural, at palalimin ang pagpapalitang kultural. Dapat pahigpitin din ng dalawang bansa ang koordinasyon sa ilalim ng framework ng Shanghai Cooperation Organisation (SCO), dagdag ni Li.
Ipinahayag naman ni Nazarbayev, na ang relasyon ng Kazakhstan at Tsina ay nagiging modelo ng kooperasyong pangkaibigan. Natamo na aniya ang progreso ng kooperasyon sa production capacity batay sa mungkahi ni Premiyer Li. Nakahanda ang Kazakhstan na ibayo pang pasulungin ang pagsasakatuparan ng mas maraming proyekto, aniya pa.
salin:Le