|
||||||||
|
||
Sa pagtatagpo Huwebes, Hunyo 7, 2018, nina Cui Tiankai, Embahador ng Tsina sa Amerika, at John J. Sullivan, Pangalawang Kalihim ng Estado ng Amerika, nagpalitan sila ng kuru-kuro tungkol sa relasyong Sino-Amerikano at mga isyung kapwa nila pinahahalagahan.
Ipinahayag ni Cui na sa kasalukuyan, ibayo pang humuhupa ang maigting na situwasyon ng Korean Peninsula. Dapat aniyang magkasamang magsikap ang iba't-ibang may-kinalamang panig upang mapasulong ang paglutas sa isyung nuklear ng Korean Peninsula sa paraang pulitikal.
Dagdag pa niya, ang kasalukuyang relasyong Sino-Amerikano ay nasa mahalagang panahon, at dapat palakasin ng dalawang panig ang pagkokoordinahan at pagtutulungan, palalimin ang pagtitiwalaan, at maayos na hawakan ang kanilang alitan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |