Mula Hunyo 2 hanggang 3, 2018, natamo ng pagsasangguniang pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika ang ilang bunga. Sa mga komentaryong inilabas ng "Economic Daily" at "Global Times," tinukoy nilang ang reporma at pagbubukas sa labas, at pagpapalawak ng pangangailangang panloob ay pambansang estratehiya ng Tsina, at hindi ito nagbabago.
Ayon sa komentaryo ng "Economic Daily," may tatlong sanhing hindi nagbabago ang patakaran ng reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina. Una, ang patakarang ito ay isang di-maiiwasang pagpili na angkop sa aktuwal na pangangailangan ng sariling pag-unlad ng bansa; ikalawa, ang reporma at pagbubukas sa labas ay nagiging pagpapakita ng palagiang pagtataguyod ng Tsina ng ideyang pangkaunlaran ng "may mutuwal na kapakinabangan at win-win situation;" ikatlo, ang patakarang ito ay nagpapakita ng determinasyon at kompiyansa ng Tsina sa pagpapasulong ng lebel ng pagbubukas sa labas.
Ayon naman sa komentaryong inilabas ng "Global Times," tinukoy nito na sapul nang magsimula ang pagsasangguniang pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika, natamo ang ilang progreso. Ito anito ay nakakapagbigay ng napakalaking espasyo para sa pagpapalakas ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang bansa. Anito, kung maisasakatuparan nang mainam ang narating na komong palagay ng dalawang panig sa Washington D.C., makakabuti ito sa dalawang bansa at kanilang mga mamamayan, at matatamo ang talagang win-win situation.
Salin: Li Feng