|
||||||||
|
||
Mula Hunyo 2 hanggang 3, 2018, nagsanggunian ang delegasyong Tsino na pinamumunuan ni Liu He, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Pangalawang Premyer ng bansa, at delegasyong Amerikano na pinamumunuan ni Wilbur Ross, Kalihim ng Komersyo ng Amerika hinggil sa isyung pangkabuhayan at pangkalakalan. Nagkaroon ng mainam na diyalogo tungkol sa pagsasakatuparan ng kanilang narating na komong palagay sa Washington D.C., at natamo nila ang positibo at pragmatikong progreso.
Ipinahayag ni Ross na hanggang sa kasalukuyan, naging "mapagkaibigan at matapat" ang pakikipagtalastasan sa Tsina.
May tatlong keywords ang inilabas ng pahayag ng panig Tsino: "pagsasakatuparan ng komong palagay," "mainam na diyalogo," at "positibo at pragmatikong progreso." Ang "pagsasakatuparan ng komong palagay" ay hangarin ng nasabing pagsasanggunian, ang "mainam na diyalogo" ay porma ng pagsasanggunian, at ang "positibo at pragmatikong progreso" ay bunga ng pagsasangguniang ito. Ayon sa inilabas na impormasyon, ang pagsasanggunian ay nagpokus sa dalawang aspektong gaya ng agrikultura at enerhiya. Ang pagtatamo ng positibong bunga ay angkop sa kapakanan ng kapwa panig.
Samantala, tulad ng sinabi ng panig Tsino, ang lahat ng natamong bunga ng Tsina at Amerika ay nababatay sa paunang kondisyon ng "magkasamang pagsisikap at hindi pagkakaroon ng trade war." Kung isasagawa ng panig Amerikano ang mga hakbangin ng sangsyong pangkabuhayan na tulad ng pagdaragdag ng taripa, hindi magkakabisa ang lahat ng natamong bungang pangkabuhayan at pangkalakalan na pinag-usapan ng dalawang panig. Ito ay hindi lamang atityud at redline ng panig Tsino, kundi maging susi sa pagsasakatuparan ng narating na komong palagay ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |