Inihandog kagabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang bangkete bilang pagsalubong sa mga lider na kalahok sa Shanghai Cooperation Organization (SCO) Summit, na bubuksan ngayong araw sa Qingdao, baybaying-lunsod sa dakong silangan ng Tsina.
Ito ang unang summit ng SCO sapul nang palawakin ito makaraang sumapi ang India at Pakistan. Kabilang sa orihinal na anim na miyembro ng organisasyon ay Tsina, Kazakhstan, Kyrgyzstan, Rusya, Tajikistan, at Uzbekistan.
Nauna rito, magkahiwalay na kinatagpo ni Pangulong Xi ang mga kalahok na lider.
Salin: Jade
Pulido: Rhio