Idaraos ang ika-18 Pulong ng Konseho ng mga Lider ng Kasaping Bansa ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) sa ika-9 hanggang ika-10 ng Hunyo sa Lunsod ng Qingdao ng Lalawigang Shangdong sa dakong silangan ng Tsina. Ito ang kauna-unahang pagkakataong lalahok ang Indya at Pakistan bilang bagong kasaping bansa sa summit ng SCO.
Noong 2005, ang Indya at Pakistan ay naging mga tagapagmasid ng SCO, at ang dalawang bansa ay pormal na naging kasaping bansa noong ika-15 ng Hunyo ng nakaraang taon. At ito ay kauna-unahang pagkakataong dinagdagan ang bilang ng mga miyembro ng SCO, at sa summit sa taong ito, ang bilang ng mga kalahok na bansa ay umabot sa walo.
Ipinahayag ni Luo Zhaohui, Embahador ng Tsina sa Indya na pagkaraang lumahok ang nasabing dalawang bansa, sasaklawin ng SCO ang tatlo-kalima ng buong kontinente ng Europa at Asya at mahigit 3.1 bilyong populasyon ng buong daigdig. Ang pagpapalawak ay nagdagdag ng bitaliti sa SCO, at ito ay magiging isang organisasyong pandaigdig na may mas malaking impluwensiya.
salin:Lele