Sa magkakasanib na preskon pagkaraan ng Ika-18 Summit ng Shanghai Cooperation Organization (SCO), na idinaos ngayong araw, Linggo, ika-10 ng Hunyo 2018, sa Qingdao, lunsod sa silangang Tsina, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na narating ng mga kalahok ang malawak na komong palagay sa summit na ito.
Ayon sa kanya, lubos na positibo ang mga lider ng mga kasaping bansa ng SCO sa bagong progresong natamo sapul nang sumapi sa organisasyong ito ang Indya at Pakistan. Magkakasama nilang inilabas ang mga dokumentong gaya ng Qingdao Declaration at magkakasanib na pahayag hinggil sa pasilitasyong pangkalakalan.
Dagdag ni Xi, sumang-ayon din ang mga kalahok na sa ilalim ng nagbabagong daigdig, walang bansa ang maaaring sarilinang umunlad at makatugon sa mga hamong panreshiyon at pandaigdig. Sa halip, kailangang palakasin ng iba't ibang bansa ang pagtutulungan, batay sa pagkakapantay-pantay, pagiging inklusibo at komong kasaganaan, para maisakatuparan ang matatag at sustenableng pag-unlad.
Salin: Liu Kai