Beijing, Tsina—Idinaos Miyerkules, Hunyo 6, 2018 ang Shanghai Cooperation Organization (SCO) Business Summit. Kalahok dito ang halos 300 kinatawan mula sa mga samahang komersyal at bahay-kalakal ng Tsina, Rusya, India, Pakitan, Republika ng Kazakhstan, Uzbekistan, Tajikistan, Republika ng Kyrgyzstan at iba pang bansa.
Sa kasalukuyan, ang SCO ay nagsisilbing isang organisasyon ng kooperasyong panrehiyon na may pinakamalaking populasyon at pinakamalawaka na saklaw sa buong mundo.
Sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Chen Zhou, Pangalawang Tagapangulo ng China Council for the Promotion of International Trade, ang pag-asang ibayo pang mapapatibay at mapapalawak ng sirkulong komersyal ng iba't ibang kasaping bansa ang tradisyonal na kalakalan, matutuklasan ang mga bagong growth point ng kalakalan, at mapapalawak ang larangan ng kalakalan. Lilikhain din aniya ang bagong paraan ng kalakalan, pauunlarin ang cross-border electronic commerce, at pasusulungin ang matatag na pag-unlad ng kalakalan ng rehiyon. Inanyayahan din niya ang aktibong pagsali ng sirkulong komersyal ng mga kasaping bansa ng SCO sa kauna-unahang China International Import Expo (CIIE) na gaganapin sa Shanghai.
Salin: Vera