Nag-usap Hunyo 6, 2018 sa Beijing sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Sooronbay Zheenbekov ng Kyrgyzstan. Sinang-ayunan ng dalawang lider ang pagtatatag ng komprehensibong estratehikong partnership para pasimulan ang bagong pahina ng mapagkaibigang pagtutulungan ng dalawang bansa.
Pinahahalagahan ni Pangulong Xi ang suportang ibinibigay ng Kyrgyzstan sa mga gawain ng Tsina bilang tagapangulong bansa ng Shanghai Cooperation Organization (SCO). Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Kyrgyzstan para ibayong pasulungin ang malusog at matatag na pagtutulungan sa SCO.
Ipinahayag naman ni Pangulong Sooronbay Zheenbekov ang pagpapahalaga sa Belt and Road Initiative na itinataguyod ng Tsina. Ito aniya'y magbibigay-puwersa sa pag-unlad ng rehiyon. Aniya pa, patuloy na pasusulungin ng Kyrgyzstan ang pakikipagtulungan sa Tsina sa ibat-ibang larangan. Sinabi niyang tiyak na magtatamo ng tagumpay ang SCO Summit sa Qingdao sa taong ito.
Nang araw ring iyon, dumalo rin ang dalawang lider sa seremonya ng paglagda sa mga dokumentong pangkooperasyon ng dalawang panig.