Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagpaslang kay Fr. Richmond Nilo, kinondena

(GMT+08:00) 2018-06-12 14:12:56       CRI

ISANG malaking palaisipan sa mga nasa Simbahang Katolika sa Pilipinas ang pagpaslang kay Fr. Richmond Nilo, 40 taong-gulang kagabi sa Barangay Mayamot, Zaragoza, Nueva Ecija.

Ayon sa pulisya, dalawang 'di kilalang lalaking sakay ng isang motorsiklong walang plaka ang namaril sa loob ng simbahan sa Mayamot samantalang naghahanda sa pagdiriwang ng Misa. Pitong tama ng bala ang tumama sa kanyang ulo at katawan. Tumakas ang salarin patungo sa Panabinga, San Antonio, Nueva Ecija. Nakasuot umano ng isang maong na short pants, nakakulay kapeng t-shirt at nakasombrero ang isa sa mga salarin.

Larawan ni Fr. Richmond Nilo. Napaslang si Fr. Nilo kagabi samantalang naghahanda sa pagdiriwang ng Misa.  Wala pang nadarakip ang mga autoridad bagama't bumuo na ng Special Investigation Task Group ang Philippine National Police.  Wala pang grupong nagsasabing sila ang may kagagawan ng pagpaslang.   (Kuha ni Bb. Ilsa Reyes/Nalathala sa CBCP news)

Si Fr. Nilo ang ikatlong pari na binarily at napatay mula noong Disyembre ng taong 2017. Unang napaslang si Fr. Tito Paez, 75 taong gulang sa Nueva Ecija at si Fr. Mark Anthony Ventura, 37 taong gulang sa Cagayan.

Noong isang lingo, binarily at malubhang nasugatan si Fr. Rey Urmeneta, isang retiradong chief chaplain ng Philippine National Police sa isang insidente sa Calamba City sa Laguna.

Sa isang pahayag, kinondena ni Cabanatuan Bishop Sofronio A. Bancud ang insidente kasabay ng kanilang pagluluksa. Kinondena rin ng Obispo ang sumusidhing kaguluhan at ang kawalan ng pananagutan sa mga may kagagawan ng krimen. Kahit umano ang mga alagad ng Simbahan ay 'di na nakaliligtas sa kaguluhan.

Nanawagan din si Bishop Bancud sa pamahalaan na magsagawa ng walang pinapanigang pagsisiyasat upang malutas kaagad ang pagpaslang. Nanawagan din siya sa mga nakasaksi at nakababatid ng buong pangyayari na tumulong na sa pagsisiyasat.

Malaki umanong kawalan sa Diyosesis ng Cabanatuan ang pagkamatay ni Fr. Nilo na naglingkod ng halos 17 taon sa Simbahan, minahal at malakas ang loob ng ipinagtanggol ang pananampalataya.

Nakiisa rin ang mga pari ng Diyosesis ng San Jose de Nueva Ecija sa pagdadalamhati ng kanilang kalapit na diyosesis. Sa pahayag na nilagdaan ni Obispo Roberto Mallari, kinondena nila ang marahas na pagpaslang sa kanilang kapwa naglilingkod sa Simbahan.

Umaasa si Obispo Mallari na mababagabag man lamang ng kanyang konsensya ang may kagagawan ng pagpatay. Bilang pakikiisa sa mga nagdadalahamhati, magkakaroon ng pagbatingaw ng mga kampana sa lahat ng simbahan mula ngayon sa bawat ikawalo ng gabi hanggang sa maihatid sa huling hantungan ang labi ng biktima.

Samantla, ikinabagabag naman ni Arsobispo Romulo G. Valles, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines at Archdiocese of Davao ang pagpaslang kay Fr. Richmond Nilo ng St. Vincente Ferrer sa Diyosesis ng Cabanatuan samantalang naghahanda sa pagdiriwang ng Misa sa Nueva Ecija.

Bukod sa pagkondena sa pagpaslang, ipinananalangin din ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang kapayapaan ng kaluluwa ng biktima. Nakikiisa rin sa panalangin para sa pamilyang naiwan ni Fr. Nilo kasabay ng pakikiisa kay Bishop Sofronio Bancud, sa mga pari, mga relihiyoso at mga layko sa brutal na sinapit ng kanilang pari samantalang nagdiriwang ang buong Simbahan sa Pilipinas ng taon ng mga Pari at ng mga Relihiyoso.

Nanawagan din si Arsobispo Valles sa mga autoridad na malutas na ang ikatlong pagpaslang sa mga pari mula noong nakalipas na Disyembre. Dalangin din ni Arsobispo Valles na malitis at maparusahan ang mga nasa likod ng mga pagpaslang.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>