Nagpadala ngayong araw, Miyerkules, ika-13 ng Hunyo 2018, ng mensahe sa isa't isa sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Juan Carlos Varela Rodriguez ng Panama, bilang pagdiriwang sa unang anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.
Ipinahayag ng kapwa lider ang pagpapahalaga sa relasyon ng dalawang bansa. Umaasa rin anila silang, palakasin ang kooperasyon ng Tsina at Panama sa iba't ibang aspekto, para pasulungin ang relasyon ng dalawang bansa, at magdulot ng benepisyo sa kani-kanilang mga mamamayan.
Salin: Liu Kai