Ayon sa ulat ngayong araw, Miyerkules, ika-13 ng Hunyo 2018, ng Korean Central News Agency, opisyal na ahensiya ng pagbabalita ng Hilagang Korea, sa kanilang pagtatagpo kahapon sa Singapore, kapwa nagbigay ng paanyaya para dumalaw sa bansa ng isa't isa sina Kim Jong Un, Kataas-taasang Lider ng H.Korea at Donald Trump, Pangulo ng Amerika, at kapwa tinanggap ng dalawang lider ang paanyaya ng isa't isa.
Ayon pa rin sa ulat, ipinahayag ni Kim ang pag-asang, kapwa magsasagawa ng mga konkretong hakbangin, sa lalong madaling panahon, ang H.Korea at Amerika, para ipatupad ang mga narating na komong palagay at magkasanib na pahayag ng nabanggit na pagtatagpo. Umaasa rin aniya siyang, unang-una, ititigil ng kapwa panig ang anumang aksyong militar, bilang probokasyon at ostilong pakikitungo sa isa't isa.
Salin: Liu Kai