Ipinahayag sa Beijing Martes, Hunyo 12, 2018, ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na umaasa ang panig Tsino na aalisin ng mga lider ng Hilagang Korea at Amerika ang mga hadlang, itatatag ang pagtitiwalaan, papawiin ang kahirapan upang magkaroon ng komong palagay tungkol sa pagpapasulong ng pagiging walang-nuklear na Korean Peninsula, at pagtatatag ng mekanismong pangkapayapaan sa peninsulang ito. Umaasa aniya ang panig Tsino na makakapagbigay ng pagsisikap para rito, at patuloy nitong patitingkarin ang konstruktibong papel.
Ipinahayag ni Wang na lubos na sinusubaybayan ng buong mundo ang kasalukuyang pagkikita ng mga North Korean at American leaders sa Singapore. Aniya, sa ngayon, ang pagkakaroon ng pinakamataas na lider ng dalawang bansa ng pantay at makasaysayang diyalogo ay may malaki at positibong katuturan. Tinatanggap at winiwelkam ito ng panig Tsino, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng