Inilunsad ngayong araw, Biyernes, Mayo 4, 2018 ng Tsina ang bagong communication satellite na "APSTAR-6C," sa pamamagitan ng Long March-3B carrier rocket, sa Xichang Satellite Launch Center sa dakong timog-kanluran ng bansa.
Layon ng nasabing satellite na paglingkuran ang mga customer sa rehiyong Asya-Pasipiko sa TV transmission, komunikasyon, at Internet at multimedia service.
Kapuwa ang APSTAR-6C satellite at ang Long March rocket ay idinebelop ng China Aerospace Science and Technology Corporation.
Salin: Jade