SINABI ng grupo ni dating Vice President Jejomar C. Binay na may kinikilingan si Ombudsman Conchita Carpio Morales matapos lumabas ang balitang pinakakasuhan ng katiwalian ang dating opisyal ng pamahalaan.
Ayon kay Joey Salgado, tagapagsalita ng dating pangalawang pangulo na tila may double standard si Ombudsman Morales. Mayroon umanong personal at political vendetta laban sa dating pangalawang pangulo samantalang nananatili siyang tagapagtanggol ng mga Dilawan.
Nakatakdang magretiro si Ombudsman Morales sa darating na buwan. Idinagdag ni Salgado na tila hindi nauubusan ng reklamo ang Ombudsman laban kay G. Binay kahit sinabi na niyang hindi nahahabulin ang nasa ikatlong grupo ng mga nakinabang sa PDAF scam. Wala na umanong ebidensya at panahon upang habulin pa ang mga inaakusahan ng katiwalian.