Ayon sa pahayag na inilabas kahapon, Lunes, ika-18 ng Hunyo 2018, ng Kagawaran ng Estado ng Amerika, nag-usap kamakailan sa telepono sina Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika, at Kang Kyung-wha, Ministrong Panlabas ng Timog Korea, hinggil sa mga susunod na hakbang sa isyung nuklear ng Korean Peninsula, pagkaraan ng pagtatagpo ng mga lider ng Amerika at Hilagang Korea sa Singapore.
Anang pahayag, kapwa ipinangako nina Pompeo at Kang, na magsisikap ang dalawang bansa para sa kompleto, masisiyasat, at di-magbabagong denuklearisasyon sa Korean Peninsula. Ipinahayag din ng kapwa panig, na bago isakatuparan ng H.Korea ang denuklearisasyon, patuloy silang magpapataw ng presyur sa bansang ito.
Salin: Liu Kai