Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Sister Patricia Fox, pinayagang manatili sa bansa

(GMT+08:00) 2018-06-19 17:01:37       CRI

SR. PATRICIA ANNE FOX.  Nagdesisyon ang Department of Justice na makapananatili sa Pilipinas ang misyonerang mula sa Australia matapos maglabas ng kautusan ang Bureau of Immigration na kailangang bumalik na sa kanyang bansa ang misyonera.  Nasa larawan din si dating Congressman Rafael Mariano.  (File Photo/Melo Acuna)

PINAYAGAN ng Department of Justice sa pamamagitan isang resolusyong nilagdaan ni Justice Secretary Menardo I. Guevarra na manatili sa bansa si Sr. Patricia Anne Fox, ang 71-taong gulang na madreng mula sa Australia.

Magugunitang inatasan siya ng Bureau of Immigration na bumalik na sa Australia dahil sa pakiki-alam umano sa mga usaping hinggil sa mga Filipino.

Niliwanag ni Secretary Guevarra na ang pagbawi sa missionary visa ni Sister Pat ay walang "legal basis."

Binigyan umano ng batas ng kaukulang poder ang Bureau of Immigration na sasaklaw sa mga banyaga at sa kanilang mga dkumento subalit ang pagpapawalang-saysay ng visa na ibinigay ng Department of Foreign Affairs ay hindi nito saklaw.

Ang ginawa umano ng Bureau of Immigration sa kaso ni Sister Patricia ay higit sa itinatadhana ng batas kaya't kailangang pawalang-saysay, dagdag pa ni Secretary Guevarra.

Samantalang isang prebilihiyo ang pagkakaroon ng visa, hindi ito basta na lamang mapapawalang-saysay.

Nananatiling may bisa ang mga dokumento ni Secretary Fox hanggang sa magkaroon ng desisyon ang Bureau of Immigration sa visa cancellation and deportation case ng misyonera na hindi pa natatapos sa pagdinig. Hindi basta makapagdedesisyon ang Department of Justice sa petisyon ni Sister Fox hanggang hindi tapos ang mga pagdinig sa Bureau of Immigration.

Sapagkat hindi pa tapos ang pagdinig, makakapanatili si Sister Patricia Anne Fox sa bansa at makapagpapatuloy sa kanyang gawain sa pagmimisyon.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>