INIUTOS ni Justice Secretary Menardo I. Guevarra na pangasiwaan ni Senior Assistant State Prosecutor Lilian Doris S. Alejo ang pagsasagawa ng preliminary investigation sa mga usaping mula sa reklamo nina Congressman Oscar Garin at kanyang maybahay, si dating Health Secretary Janette Garin laban kina Dr. Paulyn Ubial, Francisco Cruz, Anthony Leachon, Tedoro Herbosa.
Nagreklamo rin ng libelo sina Dr. Julius A. Lecciones, Lyndon Lee Suy, Maria Carolina Vidal-Taino at Mario C. Villaverde laban kay Dr. Francisco Cruz.
Ipinalipat na ang pagsisiyasat mula sa Iloilo City patungo sa Department of Justice sa Maynila. Ipinalilipat na rin ang lahat ng mga dokumento sa Office of the Prosecutor General sa Kagawaran ng Katarungan sa Maynila.