|
||||||||
|
||
Geneva — Binuksan Miyerkules, Hunyo 20, 2018, ang Pulong sa Mataas na Lebel bilang paggunita sa ika-50 anibersaryo ng United Nations (UN) Conference on the Exploration and Peaceful Uses of Outer Space. In-adopt sa dokumentong pinagtibay sa pulong ang mungkahi ng Tsina na nananawagang "palakasin ang kooperasyong pandaigdig sa larangan ng mapayapang paggamit ng outer space upang maisakatuparan ang hangarin ng community of shared future, at hanapin ang benepisyo at kapakanan sa buong sangkatauhan." Isusumite ang nasabing dokumento sa ika-73 Pangkalahatang Asemblea ng UN para suriin at ratipikahan.
Sa nasabing pulong, inilahad ni Shi Zhongjun, Pirmihang Kinatawang Tsino sa UN, ang mga konkretong paninindigan at hakbangin ng Tsina sa pagpapalakas ng pandaigdigang kooperasyon at pagpapabuti ng pagsasaayos sa outer space.
Sa kanilang talumpati, ipinahayag ng mga kinatawan ng G77 na dapat gawing pangunahing hangarin ng aksyon sa susunod na yugto ang mapayapang paggamit ng outer space at pagsasakatuparan ng community of shared future.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |