Vienna, Lunes, Mayo 28, 2018—Magkasamang itinaguyod ng Pirmihang Misyon ng Tsina sa United Nations (UN) at Ibang Organisasyong Pandaigdig sa Vienna at United Nations Office for Outer Space Affairs (UNOOSA) ang seremonya ng pagsasapubliko ng proklamasyon tungkol sa pagkakataon ng kooperasyong pandaigdig sa space station ng Tsina. Ito ang tanda ng pormal na pagsisimula ng pandaigdigang kooperasyon sa space station ng Tsina. Inanyayahan ang aktibong pagsali dito ng iba't ibang bansa, para isagawa ang mga kooperasyon gamit ang space station ng Tsina sa hinaharap.
Salin: Vera