Ipinahayag Hunyo 21, 2018 ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministring Komersyal ng Tsina, na kahit walang tigil na nagbabago ang atityud ng Amerika sa isyung pangkalakalang Sino-Amerikano, ipagpapatuloy ng Tsina ang nakatakda nitong patakarang pangkalakalan.
Sinabi ni Gao na ipagpapatuloy ng Tsina ang pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, pagpapasulong ng reporma at pagbubukas sa labas, pagpapasulong ng mataas na kalidad ng kabuhayan, at pagpapabilis ng konstruksyon ng modernong sistemang pangkabuhayan para maisakatuparan ang pambansang pag-unlad sa ibat-ibang larangan. Aniya, may maliwanag at malaking potensyal ang kabuhayan ng Tsina sa hinaharap.