Ipinahayag Hunyo 21, 2018 ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministring Komersyal ng Tsina, na nananatiling maliwanag ang paninindigan ng Tsina sa isyung pangkalakalan sa Amerika. Aniya, ang benta ng Amerika na maglalabas ng panibagong listahan ng mga produktong Tsino na papatawan ng taripang nagkakahalaga ng 200 bilyong dolyares ay tangkang pagsasagawa ng extortion, sa pamamagitan ng trade protectionism, at pagbaluktot sa katotohanan ng kasaysayan at kasalukuyan.
Binigyang-diin ni Gao, na nitong 40 taong nakalipas sapul nang isagawa ang reporma at pagbubukas ng Tsina sa labas, mainam at pantay na pagtutulungang panteknolohiya ang isinasagawa sa pagitan ng mga bahay-kalakal na Tsino at dayuhan, alinsunod sa regulasyong pampamilihan. Nakikinabang aniya ang mga dayuhang bahay-kalakal mula rito.
Sinabi ni Gao, na pinawalang-bahala ng panig Amerikano ang naturang mga katotohanan at binatikos ang Tsina. Ito aniya'y aktibidad na nagtatanggi sa kaisipan ng pagmamay-ari ng likhang-isip, kaisipan ng pakikipagkalakalan at disiplina ng pamilihan.