Sa kanyang pakikipagtagpo sa New York nitong Biyernes, Hunyo 22, 2018, sa delegasyong Tsino na kalahok sa Ika-2 United Nations (UN) Chiefs of Police Summit (UNCOPS), lubos na pinapurihan ni Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng UN ang ginagawang mahalagang papel ng panig Tsino sa usaping pamayapa ng UN. Inaasahan aniya ng UN ang pagpapatingkad ng panig Tsino ng mas malaking papel sa larangan ng pangagalaga sa kapayapaan.
Ipinahayag ni Wang Xiaofeng, Puno ng Delegasyong Tsino at Pangalawang Ministro ng Pampublikong Seguridad ng Tsina, na aktibong isasakatuparan ng panig Tsino ang narating na mahalagang komong palagay nina Pangulong Xi Jinping at Antonio Guterres. Buong tatag aniyang kinakatigan ng Tsina ang ibayo pang pagpapatingkad ng UN sa larangang pamayapan upang mapatingkad ang mas malaking papel sa pagpapasulong at pangangalaga sa kapayapaang pandaigdig. Nakahanda ang Tsina na palakasin ang pragmatikong pakikipagkooperasyon sa UN sa mga larangang gaya ng seguridad ng "Belt and Road" at pakikibaka laban sa droga, at paglaban sa terorismo para makapaghatid ng mas malaking benepisyo sa mga mamamayan ng iba't-ibang bansa, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng