Ipinahayag nitong Miyerkules, Mayo 31, 2017, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na kinakatigan ng pamahalaang Tsino ang isinasagawang anti-drug campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte at pamahalaang Pilipino. Nakahanda aniya ang panig Tsino na ipagpatuloy ang pakikipagkooperasyon sa panig Pilipino upang magkasamang mabigyang-dagok ang drug crime.
Ani Hua, ang droga ay komong kaaway ng buong sangkatauhan. Ang pagbibigay-dagok sa krimen ng droga ay komong responsibilidad ng iba't-ibang bansa sa buong daigdig.
Salin: Li Feng