Sinimulan noong ika-25 ng Hunyo, 2018, ang paglalakbay-suri ng mga opisyal ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa Singapore. Itinaguyod ito ng ASEAN-China Centre. Lumahok ang mga opisyal mula sa mga pamahalaan ng Tsina, Pilipinas, Brunei, Kambodia, Laos, Malaysia, Myanmar, Thailand, at Biyetnam sa aktibidad na ito.
Ipinahayag ni Huang Ying, Direktor ng Departamento ng Komprehensibong Koordinasyon ng ASEAN-China Centre na sa kasalukuyan, tinukoy ng Tsina at ASEAN ang inobasyon bilang mahalagang paraan para mapasulong ang sustenableng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan. Umaasa aniya siyang magkakaloob ang paglalakbay-suri ng plataporma para aralin ng mga kalahok ang mabuting karanasan ng Singapore sa inobasyon, at hanapin ang pagkakataon para sa kooperasyon tungo sa komong pag-unlad.
Sa 3-araw na pagdalaw, ang mga kalahok ay bibisita sa mga tanggapang pampamahalaan, pamantasan at bahay-kalakal ng Singapore.
salin:Lele