Martes, Hunyo 26, 2018, inilabas ng mahigit 270 pambansa't lokal na organisasyong komersyal ng Estados Unidos ang magkasanib na liham bilang panawagan sa kongreso na sa pamamagitan ng lehislasyon, limitahan ang karapatan ng pangulo sa pagpapataw ng taripa sa katwiran ng pambansang katiwasayan.
Ipinahayag ng nasabing mga organisasyong komersyal na ikinabalisa ng sirkulong komersyal at sirkulong agrikultural ng Amerika ang walang limitasyong paggamit ng pangulo ng ika-232 seksiyon ng "Trade Expansion Act of 1962" para sa pagpapataw ng taripa, at posibleng kapinsalaang dulot nito sa kapakanan ng bansa. Hiniling nilang limitahan ang naturang karapatan ng pangulo, sa pamamagitan ng paghingi ng pag-apruba ng kongreso.
Salin: Vera