|
||||||||
|
||
Noong gabi ng Lunes, Hunyo 18, 2018, inilabas ng Administrasyon ni Pangulong Donald Trump ng Amerika ang pahayag na nagbabantang ipapataw ang 10% taripa sa mga produktong Tsino na nagkakahalaga ng 200 bilyong US dollar. Nauna rito, isinapubliko nito ang listahan ng 50 bilyong US dollar na produktong Tsinong na papatawan ng taripa. Anito, ginawa ito bilang pagganti sa kawalang-intensyon ng Tsina sa pagbabago sa di-umano'y di-makatarungang pagbili ng karapatan sa pagmamay-ari ng likhang-isip (IPR) at teknolohiya ng Amerika.
Bilang tugon, sinabi ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na ang nasabing pagpapataw ng labis na presyur at pagba-blackmail ng Amerika ay taliwas sa napagkasunduan ng magkabilang panig sa mga nakaraang pagsasanggunian, at dismayado rin dito ang komunidad ng daigdig. Idinagdag pa ng nasabing ministring Tsino na kung mawawalan ng rason ang Amerika at ilalabas ang isa pang listahan ng mga produktong Tsino para sa karagdagang taripa, walang mapagpipilian ang Tsina kundi magsasagawa ng mga komprehensibong katugong hakbang na kinabibilangan ng quantitative at qualitative na paraan.
Inilarawan din ni Daniel Haber, dating tagapayo ng Ministri ng Kalakalang Panlabas ng Pransya ang atityud ni Trump bilang di-makatwiran at labag sa mga ipinangako at narating na kasunduan.
Sinabi naman ni Tom Watkins, tagapayo ng Michigan-China Innovation Center, isang nonprofit na organisasyong naglalayong itatag ang ugnayang pangnegosyo sa pagitan ng Michigan, Amerika at Tsina, na mula sa Administrasyon ni Trump ang unang suntok sa digmaang pangkalakalan kung saan walang mananalo.
Maging si Shinzo Abe, Punong Ministro ng Hapon, kaalyado ng Amerika sa Asya ay nagpahayag na di-maintindihan at di-matatanggap ang ginawa ng Administrasyon ni Trump. Hiniling din ni Abe kay Trump na tumalima sa mga alituntunin ng World Trade Organization (WTO) sa pagsasagawa ng mga hakbang pangkalakalan.
Masasabing "terorismong pangkalakalan" ang ginawa ng Administrasyon ni Trump dahil makakapinsala ito sa malayang kalakalan ng daigdig, globalisasyong pangkabuhayan, multilateral na kalakalan, at industrial chain ng daigdig. Kaya, kailangang magkapit-bisig ang komunidad ng daigdig laban sa "terorismo" sa larangang pangkalakalan.
Salin/Edit: Jade
Pulido: Rhio
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |