|
||||||||
|
||
SINABI ni Chief Supt. Guillermo Eleazar ng National Capital Region Police Office na paiigtingin pa ang kampanya laban sa illegal na droga upang maibsan ang bilang ng mga krimen sa pinakamataong rehiyon sa Pilipinas.
Sa isang exclusive interview, sinabi ni Chief Supt. Eleazar na bumaba ng may 49% ang bilang ng mga krimeng naganap sa unang 23 buwang panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte kung ihahambing sa panahong Hulyo ng 2014 hanggang noong Mayo ng 2016.
Sa pagpapatupad ng maigting na kampanya laban sa illegal drugs, mababawasan din ang mga krimeng tulad ng pagpatay at mga pagnanakaw.
Kasabay ito ng masigasig na kampanyang linisn sa kanilang hanay sapagkat walang patutunghuhan ang anumang kampanya kung may mga tiwaling pulis sa serbisyo.
NABAWASAN ANG KRIMEN SA METRO MANILA. Ibinalita ni NCRPO Director Chief Supt. Guillermo Eleazar na nabawasan ang bihang ng krimen sa Metro Manila sa unang 23 butan ng panunungkulan ni Pangulong Duterte. Paiigtingan ang kampanya laban sa droga, dagdag pa ni CSupt. Eleazar. (MA Photo)
Sa paglilinis ng mga lansangan sa pamamagitan ng pagpapatrolya at pagsasagawa ng police checkpoints, mananatiling ligtas ang mga barangay 'di lamang sa mga Pilipino kungdi para na rin sa mga banyagang turista na nagliliwaliw sa iba't ibang bahagi ng national capital region.
Ginagamit na rin ng pulisyua ang sinasabing intelligence-based operations.
Nasisiyahan na rin ang kanyang mga tauhan sa malaking kabawasan sa pagnanakaw, pangungulimbat, pagnanakaw ng mga motorsiklo at mga sasakyan.
Kahit pa dumaraing ang mga mamamayan na tumataas na halaga ng mga bilihin, sinabi ni Chief Supt. Eleazar na wala siyang nakikitang dahilan upang tumaas pa ang bilang ng mga nakawan sa Metro Manila. May mga patrolya sa Metro Manila na tinitirhan ng may 12.8 milyong mamamayan sa lawak na 619 na kilometro kuwadrado.
Kailangan din ang pagtutulungan ng pulisya at komunidad, dagdag pa ni G. Eleazar.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |