|
||||||||
|
||
NANINIWALA si G. Stephen P. Groff, Vice-President for East Asia, Southeast Asia and the Pacific ng Asian Development Bank na marapat lamang manguna ang mga pamahalaan sa kampanya laban sa kahirapan.
Sa isang exclusive interview sa Philippine International Convention Center, sinabi ni G. Groff na malaki ang nagawa ng Tsina sa pagbaba ng bilang ng mahihirap sa nakalipas na higit sa 30 taon.
Kung noon ay itinaguyod ng Asian Development Bank ang mga proyektong hinggil sa pagawaing-bayan sa silangang bahagi ng Tsina, sa pag-unlad ng Tsina, itinuon nila ang kanilang pansin sa mga pagawaing bayan sa hilaga at kanlurang bahagi ng malaki at mataong bansa.
Itinuon nila ang kanilang pansin sa mga programa at proyektong magpapaunlad sa kanayunan at mga maliliit at pangkaraniwang mga lungsod sa pagharap sa kahirapan. Pinangunahan ito ng pamahalang Tsino ay tumulong lamang ang Asian Development Bank.
MAGANDA ANG HALIMBAWA NG TSINA. Naniniwala si G. Stephen Groff, Vice President for East Asia, Southeast Asia and the Pacific ng Asian Development Bank na maganda ang gnaw ng Tsina sa pagbabawas ng mahihirap sa mga nakalipas na dekada. Dapat manguna ang mga pamahalaan sa programme laban sa kahirapan at tutulong lamang ang Asian Development Bank, dagdag pa ni G. Groff. (MA Photo)
Niliwanag ni G. Groff na tumugon ang Asian Development Bank sa malaking agwat ng mga pagawaing-bayan sa pangangailangan ng bansa at mga mamamayan. Ang mga pagawaing-bayang ito ay sa pamamagitan ng mga lansangan, mga daang bakal, pagpapadaloy ng kuryente sapagkat walang anumang health service at education facilities ang madarama ng mga mamamayan kung walang infrastructure development.
Kailangan ding pagtuonan ng pansin ang mga programa sa edukasyon sa kalusugan sapakat walang saysay ang mga pagawaing-bayan kung wala naming nakapag-aral at malulusog na mga mamamayan.
Kailangan din ang pagkakaroon ng sapat na program sa edukasyon at social protection, dagdag pa ni G. Groff.
Mahalaga rin ang pagkakaroon ng regional cooperation tulad ng kanilang nagawa sa mga bansang nasa hangganan ng Tsina tulad ng mga bansang na sa Greater Mekong river sub-region at maging sa sub-region na nasa Western Asia.
Malaki rin umano ang papel ng sektor ng pagsasaka upang mai-angat ang ekonomiya sapagkat tulad ng karansan sa mga mahihirap na bansa, malaking bahagi ng mga mamamayan ang umaasa sa pagbubukid. Sa pagkakaroon ng masiglang mga sakahan, mas marami ang magkakaroon ng hanapbuhay.
Kailangan ding mapaghandaan ang mga pagbabago sa klima sapagkat kahit maunlad at patuloy na umuunlad ang Asia, malaking bahagi nito ang nanganganib sa anumang pagbabago sa klima.
Iminungkahi ni G. Groff ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga pananim na makaliligtas sa mga gitna ng pagbabago ng klima at panahon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |