Sinabi ngayong araw Hunyo 28 ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina sa regular na preskon, na umaasa ang Estados Unidos na mapapalawak ang pagluluwas nito sa Tsina para mabawasan ang trade deficit. Katatanggap aniya ito sa Tsina.
Idinagdag pa ng tagapagsalitang Tsino na malaki ang potensyal ng pagluluwas ng Amerika sa Tsina sa larangan ng mga produktong hay-tek at serbisyo. Pero, ipinagdiinan ni Gao na taliwas sa nasabing inaasahan ng Amerika ang isinasagawa nitong paglilimita sa pagluluwas sa Tsina.
Salin: Jade
Pulido: Rhio