Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ayon sa datos: ambag ng Tsina bilang kasapi ng WTO

(GMT+08:00) 2018-06-28 19:37:52       CRI

Inilabas ngayong araw ng Tsina ang white paper na pinamagatang "Tsina at World Trade Organization (WTO)." Mababasa sa white paper ang pagpapatupad ng Tsina sa mga pangako nito bilang kasapi ng WTO, pagkatig ng bansa sa multilateral na sistemang pangkalakalan, mga ibinigay na ambag ng Tsina, at ibayo pang pagbubukas sa labas ng bansa.

Narito ang mga pangunahing ambag ng Tsina na ipinakikita sa pamamagitan ng mga datos.

Sapul noong 2002, isang taon makaraang sumapi ang Tsina sa WTO, umabot sa humigit-kumulang 30% ang karaniwang taunang ambag ng Tsina sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig.

Mula 2001 hanggang 2017, tumaas sa 467.6 na bilyong US dollar mula sa 39.3 bilyong US Dollar ang pag-aangkat ng Tsina ng serbisyo, bagay na nagdulot ng 16.7% karaniwang taunang paglaki. Katumbas ito ng halos 10% ng kabuuang halaga ng pag-aangkat ng serbisyo sa daigdig.

Nitong 40 taong nakalipas sapul nang isagawa ng Tsina ang reporma't pagbubukas sa labas, 700 milyong mahihirap na mamamayang Tsino ang naibsan ang karalitaan, ayon sa pamantayan ng United Nations (UN), at ito ay katumbas ng 70% ng kabuuang mahirap na populasyon ng daigdig.

Noong 2017, nagsilbi ang Tsina bilang pangunahing partner ng mahigit 120 bansa't rehiyon. Nang taon ring iyon, umabot sa 10.2% ang proporsyon ng halaga ng pag-aangkat ng mga paninda ng Tsina sa kabuuang pandaigdig na pag-aangkat, samantang umabot sa 12.8% ang proporsyon ng halaga ng pagluluwas ng mga paninda ng Tsina sa kabuuang pandaigdig na pagluluwas.

Noong 2017, lumampas sa 130 milyong person-time ang mga turistang Tsino na naglakbay sa ibayong dagat, at umabot sa 115.29 bilyong US dollar ang kanilang gastos. Nakatulong ito sa paghahanap-buhay at pag-unlad ng kabuyahan ng mga bansang dayuhan.

Mula 2001 hanggang 2017, umakyat sa 136.32 bilyong US dollar mula sa 46.88 bilyong US dollar ang direktang puhunang dayuhan (FDI) sa Tsina; nagkaroon ito ng 6.9% karaniwang taunang paglaki. Bunga nito, 29 taong singkad na nangunguna ang Tsina sa mga umuunlad na bansa pagdating sa saklaw ng pumasok na FDI. Samantala, noong 2017, pumangatlo ang Tsina sa mga kasapi ng WTO pagdating sa taunang halaga ng direktang puhunan sa ibayong dagat; noong 2001, ang puwesto ng Tsina ay ika-26.

Sapul nang iharap ng Tsina ang Belt and Road Initiative (BRI) noong 2013, hanggang 2017, nakilahok ang mga bahay-kalakal ng Tsina sa pagtatatag ng 75 sonang pangkooperasyon sa kabuhaya't kalakalan sa mga bansang dayuhan sa kahabaan ng Belt and Road. Kasabay nito, 1.6 bilyong US dollar ang binayad nilang taripa, at 220,000 trabaho ang nalikha sa nasabing mga bansa.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>