Hong Kong, Tsina—Idinaos Huwebes, Hunyo 28, 2018 ang Ika-3 Belt and Road Summit. Ang tema ng kasalukuyuang summit ay "Komprehensibong Kooperasyon." Magkasamang ibinahagi ng mga kalahok ang pinakahuling bunga ng konstruksyon ng Belt and Road, tinalakay ang bagong pagkakataong komersyal ng magkakaibang industriya sa ilalim ng Belt and Road Initiative, at komprehensibong pinasulong ang kooperasyon sa maraming larangan sa ilalim ng nasabing inisyatiba.
Halos 5000 kinatawan mula sa 55 bansa't rehiyon ang dumalo sa summit. Nagtalumpati sa summit ang mahigit 80 mataas na opisyal at lider ng sirkulong komersyal ng mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road, at mga kinatawan ng mga organong pandaigdig.
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, tinukoy ni Somkid Jatusripitak, Pangalawang Punong Ministro ng Thailand, na may mahalagang katuturan ang Belt and Road Initiative na inilunsad ng Tsina. Makikinabang dito ang Thailand, maging ng ibang bansa't rehiyon sa kahabaan ng Belt and Road.
Salin: Vera