Ipinahayag ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pag-asang mahahanap ng Estados Unidos at Hilagang Korea ang package solution para matugunan ang mga ikinababahala ng isa't isa at gawing sustenableng proseso ang kalutasang pulitikal hinggil sa isyung nuklear ng Korean Peninsula.
Ito ang ipinahayag ni Lu sa regular na preskon Biyernes, Hunyo 29, kaugnay ng pag-ulit nina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina at Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika sa target ng pagsasakatuparan ng walang nuklear na Korean Peninsula, sa kanilang pag-uusap sa telepono.
Salin: Jade
Pulido: Mac