Nitong Biyernes, Marso 16 (local time), 2018, lumagda ang panig Amerikano sa "Batas ng Pakikipag-ugnayan sa Taiwan." Kaugnay nito, tinukoy Sabado, Marso 17, ni Tagapagsalita Wu Qian ng Ministring Pandepensa ng Tsina, na bugong tatag itong tinututulan ng hukbong Tsino. Aniya, ang Taiwan ay isang bahagi ng Tsina, at ang isyu ng Taiwan ay ganap na suliraning panloob ng Tsina.
Sinabi rin ni Wu na hinihiling ng panig Tsino sa panig Amerikano na tupdin ang pangako nito, iwasto ang kamalian, at huwag isagawa ang kaukulang probinsyon ng naturang batas. Dapat din aniyang itigil ang ugnayang militar ng Amerika at Taiwan, at itigil ang pagbebenta ng Amerika ng mga sandata sa Taiwan upang maiwasan ang pagkakaroon ng grabeng kapinsalaan sa relasyon ng dalawang bansa at hukbo, at kapayapaan at katatagan ng Taiwan Straits.
Salin: Li Feng